-- Advertisements --

Pinatawan ng electoral court sa Brazil ng walong taon na pagbabawal na tumakbo sa anumang posisyon ang kanilang dating pangulo na si Jair Bolsonario.

Ito ay matapos na napatunayan ng korte ang pagiging guilty nito sa pag-abuso ng kaniyang kapangyarihan at maling paggamit ng media sa kaniyang kampanya sa halalan.

Mayroong lima sa pitong huwis ang nagdesisyon sa pagiging guilty ng dating pangulo.

Dahil dito ay bigo na itong makatakbo sa daring na 2026 elections dahil hanggang 2030 ang nasabing hatol sa kaniya.

Nagbunsod ang kaso sa pakikipagpulong nito mga foreign ambassadors noong Hulyo 2022 kung saan nagpakalat ito ng maling impormasyon ukol sa nagaganap na halalan sa Brazil.

Mariing pinabulaanan ni Bolsonario ang nasabing kaso kung saan plano nila itong iapela sa korte.