-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa umano’y pangangasiwa ng mga isiningit na pondo sa ilalim ng 2025 national budget.

Sa isang pahayag, pinasinungalingan ni Bersamin na kinausap at pinagbilinan niya si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na sila na ang bahalang mangasiwa sa P52 bilyon, na bahagi umano ng P100-bilyong insertion sa 2025 budget.

Ayon kay Bersamin, hindi maituturing na “credible source” ng impormasyon si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, lalo na kung mukhang sabi-sabi lamang at galing sa ibang tao ang pinagmulan ng kanyang pahayag.

Una nang inihayag ng Malacañang na ang pagbibitiw ni dating ES Bersamin ay bunga ng delicadeza.

Inihayag din ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo sa dating executive secretary.