LAOAG CITY – Naniniwala si Senator Imee Marcos na may ‘boss’ ang mga contractor at engineer ng Department of Public Works and Highways na sangkot sa isyu ng flood control projects sa bansa.
Ito aniya ang mga dapat makulong hindi lang ang mga opisyal at contractor ng ahensya.
Paliwanag niya, kailangang may makulong na sa kanila lalo na’t maraming ebidensya, maraming dokumento at impormasyon ang naimbestigahan na.
Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Imee Marcos na nagsalita na rin si dating Congressman Zaldy Co kung saan maniwala man o hindi ang publiko ay suportado nila ang imbestigasyon.
Samantala, naniniwala ang Senador na ang mga Discaya ang kontratista sa mga flood control projects dito sa lalawigan ng Ilocos Norte lalo na ang mga binisita ng Independent Commission for Infrastructure dahil marami lamang ang nanghihiram ng lisensya.
















