-- Advertisements --

Binigyan ng “merienda cena” sa Malacanang si dating First lady Imelda Marcos, na siya ring ina ni President Bongbong Marcos Jr.

Ang naturang piging ay bilang pagpupugay sa ika-93 taong kaarawan ng dating unang ginang.

Malayo ito sa mga nakaraang birthday party ni Mrs. Marcos, kung saan ay nagmimistulang fiesta ang kanilang lugar sa Ilocos Norte o iba pang venue na pinagdarausan ng okasyon.

Naging pribado ngayong taon ang aktibidad para sa pamilya Marcos at malalapit sa kanila.

Bumuhos naman ang iba pang pagbati, kasama na ang kontrobersyal na tarpaulin sa may EDSA, kung saan kinuha umano ang larawan sa palabas na “King Maker.”

Kaya naman umalma si Lauren Greenfield, ang film maker ng nasabing palabas, dahil sa wala umanong pahintulot nila sa paggamit ng larawan para sa nasabing LED board.

Pero matapos ang Twitter post ni Greenfield, binalikan ng Bombo Radyo ang naturang LED, ngunit wala na ang larawan ng dating unang ginang.