-- Advertisements --

Nabawasan na ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signals dahil sa bagyong Dante.

Paliwanag ng Pagasa, lumiit na ang sirkulasyon ng bagyo sa mga nakalipas na oras.

Huling namataan ang sentro ng tropical storm Dante sa layong 25 km sa timog kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Umiiral pa rin ang signal number two (2) sa Zambales at western portion ng Pangasinan.

Habang signal number one (1) naman sa central portion ng Pangasinan, Bataan, Tarlac, Pampanga, western portion ng Bulacan, western portion ng Cavite, western portion ng Batangas at Lubang Island

Samantala, isa namang low pressure area (LPA) ang namataan sa layong 1,135 km sa silangan ng Southern Luzon.

Kung magiging ganap na bagyo ay tatawagin itong tropical depression Emong.