Maaaring tumagal pa ang mga pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, makaraang bumagal ang takbo ng bagyong Dante.
Sa kasalukuyan ay nasa Oriental Mindoro na ang sentro ng bagyo at mas lalo pa itong lalapit sa Metro Manila sa mga susunod na oras.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 65 kph at pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Signal No. 2:
Northern at central portion ng Oriental Mindoro, northern at central portion ng Occidental Mindoro, kasama na ang Lubang Islands, Batangas, Cavite, Bataan, southwestern portion ng Bulacan, western portion ng Pampanga, Zambales, western portion ng Tarlac at western portion ng Pangasinan
Signal No. 1:
Marinduque, western portion ng Romblon, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, natitirang parte ng Occidental Mindoro, western portion ng Quezon, Laguna, Metro Manila, Rizal, nalalabing bahagi ng Bulacan, iba pang parte ng Pampanga, nalalabing bahagi ng Tarlac, western portion ng Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Pangasinan, southern portion ng Benguet, La Union at northwestern portion ng Antique