Dana White and Paul Jake
-- Advertisements --

Hinamon ni YouTube Star Logan Paul si UFC President Dana White na doblehin ang pusta nito kay Ben Askren.

Kasunod ng pahayag ni White na pupusta siya ng $1-milyon sa ONE welterweight champion para talunin si Paul.

Nakatakda kasing magharap ang dalawa sa darating na Abril 17 sa Mercedez Benz Stadium sa Atlanta, USA.

Bukod sa pag-doble ng pusta ay hinamon ni Paul si White na magharap sila sa boxing ring.

Huling lumaban si Paul ng patumbahin si ikalawang round si dating NBA player Nate Robinson.

-- Advertisement --

Nagretiro naman sa UFC ang 36-anyos na si Askren matapos ang dalawang sunod na pagkatalo.