-- Advertisements --

Nagpasya ang tinaguriang greatest mixed martial arts fighter na si Jon Jones ang kaniyang pagreretiro.

Mismong si UFC chief executive Dana White ang nag-anunsiyo ng pagreretiro ni Jones.

Ayon sa 37-anyos na si Jones na naging mahirap para sa kaniya ang nasabing desisyon.

Dagdag pa nito na masaya ito dahil sa may malaki itong kontribusyon sa nasabing sports at marami rin itong naimpluwensiyahan para pumasok sa nasabing sports.

Pinasalamatan din nito ang mga fans na humanga sa kaniya at maging ang mga nakasama niya sa nasabing larangan.

Mayroon itong 28 panalo at isang talo sa record ni Jones at naging pinakabatang champion sa kasaysayan ng UFC sa edad na 23 ng talunin si Mauricio Rua noong 2009 sa light heavyweight division.