Pumalo na sa kabuuang P539 million ang halaga ng ari-arian sa Luzon na nasira dahil sa paglindol noong nakaraang linggo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mayroong P17 million halaga ang nasira sa mga paaralan sa Metro Manila, P41.5 million sa Ilocos region, P70 million sa Calabarzon, at P210.5 million sa Central Luzon.

Umabot naman sa P200 million ang halaga ng nasirang tulay at kalsada.

Mayroong 4,155 na kabahayan ang nasira sa naranasang 6.1 magnitude na lindol.