-- Advertisements --

Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa blue alert status ang kanilang operation center.

Ang hakbang ay bilang tugon sa nakitang low pressure area (LPA) na malapit sa Guiuan , Eastern Visayas.

Layon ng NDRRMC na agad na tugunan ang anumang magiging malawakang epekto ng bagyo dahil sa ulan, pagbaha, at landslides.

Inabisuhan na rin nila ang lahat ng mga Regional at Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (R/LDRRMC) ganun din sa mga OCD Regional Offices na maging handa na sa maaaring epekto ng bagyo.

Binigyan halaga din ng NDRRMC na iba talaga ang may maagang paghahanda para hindi magkaroon ng matinding epekto ang nasabing bagyo.