Umabot na sa 43 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi dahil sa pananalasa ng Habagat at mga tropical cyclone na sina Luis, Maymay, Neneng at Pilandok, ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council.
Batay sa tala ng NDRRMC, karamihan sa mga naitalang pagkamatay ay dulot ng landslide at pagkalunod, kasunod ng mga pag-ulan at pagbaha na nagdulot ng malawakang epekto sa ilang bahagi ng bansa.
Ang mga nasawi ay naitala sa mga sumusunod na lugar:
- Benguet- 15
- La Union- 1
- Pangasinan -3
- Zambales- 3
- Pampanga-2
- Rizal- 6
- Batangas- 4
- Quezon- 2
- Oriental Mindoro-1
- Occidental Mindoro- 2
- Negros Occidental- 1
- Caloooocan-3
Samantala, 20 katao naman ang nasugatan dahil sa epekto ng sama ng panahon. Ang mga insidente ay naitala sa. Ilocos Sur, Benguet, Abra, Quezon City, Rizal at Cavite
Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon sa mga apektadong lugar, habang isinasagawa ang mga hakbang para sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.
















