-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang isla ng Dalupiri, Calayan sa Cagayan Valley.

Ayon sa Philippine Institute of Seismology and Volcanology (Phivolcs) naitala ang pagyanig dakong alas-2:40 ng umaga nitong Hulyo 1 na natukoy ang sentro sa 27 kilometro sa silangan ng Dalupiri island.

Tectonic in origin aniya ito at may lalim na 27 kilometro.

Naramdaman ang intensity 5 sa Appari at Calayan, Flora, Apayao ng Cagayan.

Intensity 4 naman ang naramdaman sa Peñablanca at Tuguegarao City habang intensity 3 naman sa Vigan City, Sinait at Ilocos Sur.