Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang umiiral na Intertropical Convergence Zone sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong araw habang easterlies ang makaka apekto sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Dahil dito ay asahan na ang mga pag-ulan at thunderstorm dahil sa epekto ng inter tropical convergence zone at posible rin ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bulnerableng lugar.
Samantala dito naman sa bahagi ng Maynila ay magiging maulap rin ang papawirin hanggang sa may mga pag-ulan dulot pa rin ng umiiral na easterlies at hindi rin inaalis ang posibilidad ng pagkakaroon ng pagbaha at paghuho ng lupa.
Ayon sa state weather bureau, mas mainam na maging mapagmatyag ang publiko para makaiwas sa anumang sakuna.
Magpapatuloy naman ang epekto ng easterlies at inter tropical convergence zone hanggang ngayong weekend.