Pinapasibak na sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang dalawang pulis na namataan sa kumakalat na video ng hindi umano’y pananakit ni Davao City 1st District Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte.
Ayon sa hepe, apat na uniformed personnel ang sangkot sa naturang insidente. Dalawa ang mula sa kanilang hanay habang dalawa naman ang mula sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang mga sangkot na pulis ay hindi mga otorisado at nagsagawa ng ‘moonlighting’.
Paliwanag ni Marbil, nag-surrender na ng kanilang mga service firearms ang dalawang pulis at maging ang mga identification cards ng mga ito ay kanila ring isinuko at napaulat na bilang mga AWOL.
Samantala, binigyang diin ni Marbil na ang mga sangkot na pulis na siyang nagsagawa ng ‘moonlighting’ at maging ang kanilang mga commanders dahil sa pangungunsinti sa gawain ng mga naturang pulis.
Matatandaan naman na hindi ito ang unang beses na nagtanggal sa serbisyo ang PNP dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na pagdidisiplina konjtra sa mga gumagawa ng ‘moonlighting’.
Nauna na dito ay nasibak na sa serbisyo ang 11 miyembro ng Special Action Force (SAF) kasama na ang kaniulang mga command officers.
Tiniyak naman ni Marbil na hindi kukunsintihin ng PNP ang mga ganitong uri ng mga pagsuway at paglabag sa kanilang mandato.