Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda na ang kanilang hanay para sa dadarating na eleksyon sa Mayo 12.
Pagtitiyak ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, lahat ng pulis magagamit at 100% na nakahanda ang kanilang hanay para sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga voting centers sa araw na iyon.
Ani Marbil, kasama din siya sa mga madedeploy sa halalan at maguumpisa na silang na mag-full alert bukas, Mayo 3, siyam na araw bago ang botohan sa national at lokal na lebel.
Samantala, 80% naman na tutulong para sa kaayusan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kasalukuyan nang nakahanda sa mga lugar sa bahaging ito.
Tiniyak rin na Marbil ang halalan ngayong taon ang pinakamapayapang eleksyon kumpara sa mga nagdaang botohan sa mga nakarang taon.