-- Advertisements --

Tinitignan na rin kung may kaugnayan ba sa espionage ang kidnapping-slay case ng filipino-chinese businessman na si Anson Que at driver nito na si Armanie Pabillo.

Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), kumpirmadong ang isa sa mga accounts na nakatanggap ng umano’y ransom money ay pagmamayari ng isang Ni Qinhui. Si Ni Quinhi ay isa sa mga chinese national na inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Pebrero dahil sa pageespiya.

Ani AMLC Director Emmett Manantan, ang e-wallet na ito ay isa lamang sa mga key player o nakatanggap ng pera mula sa junket operators na dapat ang primary purpose ay para lamang sa mga gaming purposes.

Ani Manantan, nakita ng kanilang ahensya na nagkaroon ng exchanges sa pagitan ng mga e-wallets na ito na dapat pang sumailalim sa mas malalim pa na imbestigasyon.

Sa kabila nito ay hindi muna kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na mayroon ngang koneksyon ang kidnapping-for-ransom operations ng mga suspek sa pangeespiya ni Qinhui.

Ani Marbil, nakita pa lamang na nagagamit ang mga account na ito para sa money laundering at iba pang mga iligal na aktibidad ngunit sa ngayon ay wala pa aniyang correlation ang dalawang magkaibang insidente.

Dagdag pa ng hepe, maaari kasing ang naging pagpasok ng pera sa account ni Quihui ay isa lmang basehan na umiikot ang pera sa mga accounts na gaya nito papara makagawa ng mga iligal na aktibidad gaya ng pagkakalat ng fake news, o hindi kaya’y pagbibigay ng financial support sa paggawa ng espionage.

Makakatulong din aniya ang pagbuo ng mas maraming batas at pagpapalakas ng regulasyon at sistema ng bansa lalo na sa paggamit ng mga digital wallets upang hindi na ito magamit sa mga future illegal activities pa.

Samantala, pagtitiyak ng AMLC, traceable ang mga accounts lalo na sa pamamagitan ng mga tools mula sa PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) kung saan natukoy nila ang 2 palitan ng pera na siyang nakarehistro sa loob ng bansa habang ilan naman sa mga naging exchanges ay unregistered na sa Pilipinas na siyang isang malaking challenge naman para sa kanilang patuloy na pagtukoy sa money trail ng digital wallet na siyang ginamit sa proseso.