-- Advertisements --

Pinangangambahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lawak at dami ng mga impormasyong posibleng nakulekta o nakuha ng Chinese national na naaresto kamakailan malapit sa opisina Commission on Elections sa Intramuros, Manila.

Maalalang nakuhanan ang naturang Chinese ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher, isang device na may kakayahang mag-intercept ng mga phone communications sa loob ng ilang kilometrong radius.

Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, patuloy na sinusuri ang mga nakumpiskang device at kagamitang nakumpiska mula sa suspek upang matukoy ang lawak ng operasyon nito, at matunton kung gaano karaming impormsayon at datus ang nakuha o nanakaw, gamit ang IMSI Catcher.

Giit ni Lavin, naikutan at nadaanan na ng suspek ang iba’t-ibang mahahalagang government infrastructure at military facilities.

Kabilang dito ang Villamor Airbase, ilang mga naval station, seaport, central office ng Department of Justice, Bureau of Internal Revenue, at US Embassy sa Manila.

Maliban pa ito sa umano’y ilang beses na pag-iikot sa central office ng Comelec na nasa Intramuros, ilang araw bago siya tuluyang maaresto ng mga law enforce at mga NBI agent.

Sa kasalukuyan ay tinutukoy pa ng NBI kung ibinebenta ba ang mga nananakaw na datus at kung kanino ibinibigay ang mga ito. Tinutukoy din ng ahensiya kung ginagamit ang mga ito sa ilang paraan na maaaring maging banta sa pambansang seguridad at maging sa activities.

Ang malinaw sa ngayon ayon kay Lavin, ay nagagamit na ang IMSI catcher na nakumpiska sa loob ngsasakyan ng naarestong Chinese.