KALIBO Aklan — Pormal nang naghain ng dalawang hiwalay na reklamo sa Commission on Elections (Comelec) at Ombudsman ang grupong Kontra Daya Convenor, kasama ang dalawang iba pa, laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
Ayon kay Danilo Arao, tagapagsalita ng nasabing grupo, inihain nila ang Violation of Omnibus Election Code sa COMELEC dahil sa hindi tamang pag-fill out ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE).
Habang, ang reklamo naman sa Ombudsman ay Perjury o pagsisinungaling sa nasabing kaugnay parin sa pag-fill out ng SOCE.
Ito ay may kaugnayan sa paglalagay ng “zero” ng senador sa kanyang campaign donors o campaign distributors.
Dagdag pa ni Arao, hindi katanggap-tanggap at hindi nararapat sa isang opisyal ng pamahalaan ang pagsisinungaling dahil posible itong gayahin ng iba pa at makompromiso ang transparency at accountability na inaasahan ng taumbayan.
Kung sakali umanong mahatulan ng guilty ang senador, posible syang tanggalin ng COMELEC sa kanyang pwesto o makulong ng 1 hanggang 6 na taon, habang ang pwede naman niyang haraping parusa sa Ombudsman ay permanent and absolute disqualification.
Kumpyansa rin sila sa nasabing reklamo dahil ang ebidensya ay nanggaling mismo sa inakusahan.
Naghahanap rin umano sila ng paraan para mapanagot ang iba pang dapat managot subalit sa ngayon aniya ay limitado pa ang kanilang Financial resources.















