Iloilo City- Nakabitin at wala ng buhay nang natagpuan sa kanilang bahay ang isang dalagita matapos nagpatiwakal.

Ang biktima ay kinilalang si Alyas Nene, 18 anyos at residente ng Calinog, Iloilo.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sergeant Jerson Pulmones ng Calinog Municipal Police Station, sinabi nito na problema sa pamilya ang dahilan ng pagbigti ng dalagita.

Ayon kay Pulmones, nagsumbong sa kanyang pinsan ang biktima na nagtatampo ito sa kanyang mga magulang dahil sa kawalan ng suporta sa kanyang pag-aaral.

Napag-alaman na ilang beses na rin nang nagtangkang magpatiwakal si Alyas Nene.