BAGUIO CITY – Arestado ang isang drug personality na street level target sa buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Labsan Street, Kayang Extension, Baguio City kaninang umaga.

Nakilala itong si Sarrah Jane Patacsil Griba, 28-anyos, dalaga, walang trabaho, tubo ng Naguilian, La Union at residente ng Happy Homes, Campo Sioco, Baguio City.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 0.5 grams at ang cellphone na nagamit sa transaksiyon nila ng operatiba ng pulisya.

Narekober din sa kanya ang buy-bust money na nagamit sa operasyon.

Sa ngayon, nahaharap si Griba ng kasong paglabag sa RA 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Advertisement --