IMG 20200219 151428

Iniharap ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa media ang American national na unang naaresto dahil sa tangkang pagpuslit ng sanggol sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong 2019.

Ayon kay NBI Director Dante A. Gierran ang American national na si Jennifer Talbot ay dati nang nakasuhan noong September 4, 2019 dahil sa tangkang pagpuslit ng baby boy gamit ang kanyang sling bag na walang kaukulang travel documents.

Muli itong hinuli dahil sa kasong kidnapping.

Lumalabas na noong December 2019, niresolba na ng Office of the Prosecutor ng Pasay City ang ikatlong kasong kidnapping ni Talbot.

Pagkatapos nito ay nag-isyu na Ang korte ng warrant of arrest laban sa banyaga.

Kahapon nang aresthuin ng NBI si Talbot habang dumadalo ito ng hearing sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 109.

Sa ngayon ay nakaditine na sa NBI Detention Center sa NBI Headquarters sa Manila ang suspek.