-- Advertisements --

Magkakaroon ng magkahalong galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Disyembre.

Base sa pagtaya ng Department of Energy na maaring magkaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina habang pagbaba naman sa presyo ng diesel at kerosene.

Ang Gasolina ay maaaring tumaas ng mula P0.50 hanggang P0.80 kada litro habang ang diesel at kerosene naman ay mayroong P0.10 hanggang P0.30 sa kada litro ang pagbaba.

Ilan sa mga nakikitang dahilan ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay ang pagtaas ng demand lalo na sa mga bansang nakakaranas ng malamig na panahon ganun din ang patuloy na kaguluhan sa Middle East.