Malaking bilang ngayon ng mga gumaling na overseas Filipinos ang naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot sa 69 na nagmula sa Middle East.

Sa kabuuan nasa 5,531 na ang mga nakarekober o katumbas ito ng 1.25 percent.

Gayunman nasa 65 naman ang panibagong kaso na dinapuan ng deadly virus na nagmula sa Asya, Pasipiko, Europa at Middle East.

Ang total confirmed cases ay lomobo pa sa 9,472 sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo.

Ang death toll naman ay nanatili pa rin sa 666.

Samantala wala namang panibagong naitala na mga nasawi.