-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) ang malakas na tulong ng gobyerno para sa banana sector ng bansa.

Ayon sa DA na mayroong silang package na maibsan ang bigat ng mga magsasaging dahil na rin sa pagkalat ng Panama disease sa mga sagingan.

Sinabi ni Agriculture secretary Francisco P Tiu Laurel Jr, na mahalaga ang pagkakaroon ng partnership sa mga private sectors para mabuhay ang industriya ng sagingan.

Ang Panama disease ay nakaapekto na ng mahigit 15,500 hektarya ng sagingan sa Davao Region.

Magpapamahagi rin ang DA ng mga nasa 106,000 na mga banana planting materials para sa pagpapalawig ng sakahan at para mapalakas ang sagingan ganun din ang 120,000 na units ng organic fertilizers para maging malusog ang lupain ng mga magsasaka ng saging.