-- Advertisements --

Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) sa Hulyo 1 ang pagbaba ng maximum suggested retail price (MSRP) para sa mga imported na bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na magiging P43 na ito kada kilo mula sa dating P45 kada kilo pagdatig ng Hulyo 1.

Dagdag pa nito na ang nasabing hakbang ay bilang tugon sa pagbaba ng global rice prices.

Dahil dito ay inaasahan na mabibili ang nasabing presyo ng bigas sa Rice-For-All program.