-- Advertisements --
Tinitignan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad ng pagpapalawig ng bentahan ng P20 kada kilo ng bigas.
Ayon kay Agriculture spokesperson Arnel De Mesa, na bukod sa vulnerable sector ay maari nilang ibenta ito sa mga low at lower middle income na pamilya.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng panawagan na dapat palawigin ang pagbebenta sa labas ng mga vulnerable sector.
Sa kasalukuyan kasi ay tanging mga 4Ps, senior citizens, PWD at solo parents ang maaring makabili ng mga murang bigas.
Ilan sa mga ikinokonsidera nila ngayon ay ang epekto nito sa industriya ng bigas at sa ekonomiya.