-- Advertisements --

Nakatakdang mas babaan pa ng Department of Agriculture (DA) ang itinalagang maximum suggested retail price (MSRP) sa mga imported premium rice sa mga pamilihan pagdating ng Hulyo 16.

Ibaba mula sa P45/kilo ay itatalaga at magiging P43/kilo na ang bentahan ng mga premium na bigas sa mga pamilihan.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang pagbababa ng MSRP ay para lamang sa mga 5% broken na mga bigas na madalas na bilhin ng mga konsyumer.

Matatandaan naman na nauna na dito ay balak na ipatupad ang adjustment pagpasok ng Hulyo ngunit dahil nga sa pagtaas ng presyo ng krudo bunsd ng tensyon sa Middle East ay hindi na muna ito ipinatupad.

Ayon sa departamento, ngayong bumababa at humuhupa na ang tensyon sa pagutan ng Iran at Israel at ang mga global conditions ay kasalukuyan nang nasa stable na lagay ay maaari na nilang ipatupad ang planong price interventions.

Layon naman ng implementasyon nito na magbigay suporta sa pagpapalawak ng inisyatibo ng administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot kaya ang mga bigas at ilan pang basic commodities.

Samantala, isinasapinal na rin ng departamento ang pagpapatupad ng MSRP’s sa mga produktong baboy sa Agosto at maging sa produktong manok sa Setyembre.

Ang mga inisyatibong ito ng DA ay naglalayon na ma-moderate ang mga retail prices dahil na rin sa mababang domestic meat supply bunsod ng ilang animal disease outbreaks.