Posibleng ikansela muna ng Department of Agriculture (DA) ang plano nito na pagbabawas ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga imported premium rice dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., plano sana ng kanilang departamento na ibaba mula sa P45/kilo ay itatalaga ito sa P43/kilo simula sana sa Hulyo 1.
Ani ng kalihim, dahil sa tensyon sa pagitan ng Iran at Israel ay pagiisipan na muna ang posibleng pagbabawas sa MSRP at tsaka ilalabas ang desisyon sa susunod na linggo.
Paliwanag pa ng kalihim, ito ay para makaiwas din sa isang malawakang market shock ang buong bansa dahil sa posibleng pagsipa ng mga presyo sa mga pangunahing pamilihan.
Dahil dito, malaki ang poisibilidad na ipagpaliban ng isa hanggang dalawang buwan ang layong bawas-presyo sa MSRP sa mga imported premium rice.
Samantala, bagamat hindi gumagamit ng krudo sa paggamit ng pagproduce ng mga pataba, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ang makikitang maaaring makahatak sa pagtaas ng halaga ng tranportation cost na siyang gingamait para makapaghatid ng mga fertilizers at iba pang mga agricultural inputs.
Tiniyak naman ng kalihim na nakalatag na ang mga programa at inisyatibo ngayong wet season at patuloy nang nakamonitor sa ga sitwasyon ng presyo ng mga bilihin sa buong bansa.