ILOILO CITY – Humingi ng paumanhin ang Department of Agriculture (DA) dahil sa naidulot na birth pain o sakit ng Rice Tariffication Law sa mga magsasaka.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay DA Assistant Secretary Dr. Andrew Villacorta, sinabi nito na ang Republic Act No. 11203 o Rice Tarrification Law ay may “twin objective” na mabigyan ng mas murang bigas ang mga konsumidor habang tinataasan naman ang kita ng local farmers.

Hangarin din aniya ng nasabing batas na magkaroon ng food security sa Pilipinas.

Sa kabila nito, inamin ni Villacorta na ang mga hangarin ay hindi naabot dahil salungat ang kinalabasan nito.

Napag-alaman na ang farm gate price ay nasa P11 hanggang P14 at kung ihahambing, mas mataas ang presyo ng palay noong 2018.