-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na magtatalaga sila ng assistant secretary for logistics.

Ito ay sa gitna ng hakbang ng ahensiya na matutukan ang logistics na may mahalagang papel upang masigurong walang masasayang na produktong pang- agrikultura na naaani ng mga magsasaka at maihatid ang mga ito Hanggang sa mga mamimili.

Sa Malacanang Press briefing, inihayag na Laurel na napag- usapan sa sectoral meeting ang patungkol sa logistics na dapat mapalakas upang maiwasan ang wastage.

Magiging trabaho ng itatalagang DA assistant secretary for logistics ang gumawa ng mga inisyatibo upang makabuo ng mga prosesong dapat na mailatag na may kinalaman sa transportation, distribution at management processes Na Ang layunin din ay maabot ang isang matatag at cost-effective na sistema sa agrikultura.