-- Advertisements --
Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na isumbong sa kanila ang mga palengke na hindi sumusunod na ipinatupad nilang suggested retail prices (SRP) sa mga sibuyas, carrots at karne baboy.
Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel, na sa mga ginawa nilang pag-ikot sa ilang palengke sa Quezon City ay nakita nilang sumunod ang karamihan sa ipinatupad na SRP.
Nananatiling mahal ang presyo ng isda kaysa sa manok subalit mayroong ilang mga isda na mababa ang presyo.
Tiniyak ng DA na kanilang papatawan ng parusa ang mga lalabag sa ipinatupad na SRP.















