puppy cyclos
Puppy na cyclops

Butuan City – Viral ngayon ang larawan ng isang bagong panganak na aso na may kakaibang mukha.

Sa naging eklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan inamin ng dog owner na si Dyngel Gyzra Dordas na tubong Iloilo City, na nitong hunyo ng kasalukuyan, ng kunan niya ng litrato ang tuta na si “Cyclops” at ngayon niya lang ito naisipang i-upload sa isang Dog Lover Page.

Ayon kay Gyzra nagulantang sila ng makita ang pangalawang tuta mula sa walo na iniluwal ng aso nilang isang half Dachshund, half Golden at asong pinoy o Aspin.

Ito ay dahil sa kakaibang mukha kung saan isa lang ang mata at wala ding itong dahilan ng paghihinalo nito sa paghinga.

Bagamat nasa alanganing sitwasyon ang tuta minabuti nalang nilang painumin ito ng gatas gamit ang dropper.

Namatay din ang si “Cyclops” makalipas ang mahigit limang oras mula ng ito ay isilang.