curry
Stephen Curry/ Photo courtesy of NBA

Nagtamo ng injury sa kaniyang kaliwang kamay si Golden State Warriors star Stephen Curry matapos ang matinding pagbagsak nito sa pagkatalo nila sa Phoenix Suns 121-110.

Nangyari ang injury sa nalalabing 8 minutes, 31 seconds na natitira ng third quarter ng tinangka nito isalaksak ang bola subalit naharang ito ni Suns center Aaron Baynes.

Nanatili pa sandali sa court si Curry subalit hindi na nito nakayanan ang kirot kaya inilabas na ito.

Sinabi ni Warriors general manager Bob Myers, na kailangan pang sumailalim sa MRI at CT scan si Curry para masuri kung kailangan itong operahan.

Nakagawa naman ng siyam na puntos si Curry habang mayroong 20 points si Eric Paschall.

Nanguna naman si Devin Booker sa Suns na mayroong 31 points na sinundan ni Aaron Baynes na mayroong 24 points.

Mayroon ng isang panalo at tatlong talo ang GSW kung saan dalawa dito ay sa sarili nilang home court habang ang Suns ay mayroong tatlong panalo at dalawang talo.