Naghain ng petition for certiorari ang contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya sa Pasay City court upang kuwestiyunin ang kanyang pagkakakulong sa Senado.
Ayon sa abogado nitong si Atty. Cornelio Samaniego III, mula pa noong September 23 nakakulong si Discaya matapos ma-deny ang kanilang petition for habeas corpus, kaya bagong petisyon ang kanilang inihain.
Giit nila, wala umanong intensyon si Discaya at kanyang pamilya na umiwas sa mga imbestigasyon at dumadalo din daw sila sa lahat ng pagdinig sa Senado, Kamara, DOJ, at Independent Commission for Infrastructure.
Magugunitang si Discaya ay kinulong ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig sa anomalya sa flood control projects noong September 18.
Una nang sinabi ng Senado na tama at naaayon sa Konstitusyon ang contempt order laban kay Discaya.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang mga Discaya dahil sa pagkakadawit ng kanilang construction firms sa umano’y iregularidad sa mga flood control project ng bansa.
















