PCG quantum 1
Pinoy crew from MV Quantum of the Seas (photo from PCG)

Magtatagal pa raw ng hanggang March 14 ang isang cruise ship na dumaong Manila South Harbor matapos i-rescue ng Philippine Coast Guard ang isang Pilipinong crew nito na nagkaroon ng 2nd degree burn sa braso at binti.

Ayon kay Commodore Armand Balilo ng PCG, sa Sabado pa inaasahang aalis ang MV Quantum of the Seas dahil nasa ospital pa sa Maynila ang nasabing Pinoy crew na binigyan nila ng medical evacuation.

Kahapon nga nang sumugod ang crew ng Philippine Navy na BRP Tubattaha para asistihan ang nasabing Pinoy.

Batay sa ulat, nasabugan ng steam ng boiler ang 26-anyos na si Francis Bonzato, isang engine cadet, habang nagre-refill ng kemikal.

Alas-9:00 nitong umaga nang ideklara ng Manila Doctors Hospital na stable na ang kondisyon ng Pinoy.

PCG quantum 2
MV Quantum of the Seas at Manila port (PCG photo)