-- Advertisements --

Tinawag ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na isang matagumpay na misyon ang naging midterm elections ngayong taon.

Ani Marbil, ang kanilang hanay ay buong tapat na sumunod sa kanilang mandato at sa naging malinaw na direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking magiging mapayapa at maayos ang halalan.

Ito aniya ay kanilang matagumpay na naisakatuparan ng may disiplina, propesyonalismo at matatag na determinasyon at ngayong tapos na ang botohan ay balik na sa kani-kanilang mga regular duties ang mga kapulisan sa ibat ibanag bahagi ng bansa kung saan tiniyak ng hepe na ang pangunahing tungkulin pa rin ng kanilang hanay ay ang pagbibigay ng seguridad,pagpapanatili ng kaayusan at pagaalaga sa kabutihan ng mga mamamayang pilipino.

Sa kabila nito ay hindi rin nalimutan ng hepe ang ilang mga naitalang inisdente nitong halalan at siniguro na hindi nakaapekto at hindi naging isang malaking dagok ang mga ito para sa isang matagumpay na eleksyon.

Ang pagiging generally peaceful din aniya ng halalan ay nagpapakita lamang aniya ng resulta ng tulungan sa pagitan ng mga ahensya at iba’t ibang sangay ng pamahalaan lalo na sa pagpapaigting ng seguridad.

Sa huli ay binigyang diin ng hepe na walang halalan na walang hamon at walang halalan na perpekto ngunit kung mayroong tamang paghahanda ay mabilis na matutupad ang pinakalayunin ng halalan.