-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na mayroon nang itinalagang tracker team ang kanilang hanay para tutukan ang manhunt operations kay dating pulis PLtCol. Rafael Dumlao III na siyang suspek sa pagpatay sa isang korean national.

Ayon sa hepe, matagal na nilang hinahanap ang dating pulis ngunit naabswelto ng korte ang kaso nito noong 2019 at muli lamang na narevive at nabuksan noong nakaraang taon at ngayon lanag halos inumpisahan ang paghahanap matapos na mapagalamang mayroong warrant of arrest para sa dating pulis.

Kaya naman matagl-tagal na ring nagtatago ang suspek at kasalukuyan nang tinatrack ng kanilang team.

Sa ngayon hindi muna nagbigya ng iba pang detakye ang hepe upang maiwasang makompormiso ang mga ikinakasang opersyon para matunton ang kinaroroonan ngayon ni Dumlao.

Sa kabilang banda naman itinanggi rin ng hepe ang mga alegsyon ni Sen. Bato Dela Rosa na mayroong tauhan ng International Criminal Court (ICC) ang siyang nagpapapirma sa mga dating PNP officers para tumestigo laban sa kaniya at sa dating pangulo Rodrigo Duterte.

Paliwanag ng hepe, hindi sila sakop ng ICC at hindi na rin naman na miyembro ng naturang korte ang Pilipinas kaya giit niya hindi niya alam kung saan nakuha ang ganitong mga ulat.

Aniya, wala rin silang natanggap na mga ulat na nagsasabing pumirma o tetestigo laban sa senador at maging sa dating pangulo.

Giit niya, hindi nila ginagawa ang mga ganung klaseng bagay dahil muli niyang binigyang diin na hindi sila bahagi ng naturang korte.

Samantala, kanina naman ay binigyang parangal nng PNP ang isang Hero Cop na kinilala bilang si Police Staff Seargent Carlo S. Navarro mula sa Paranaque City para sa kabayanihang ipinamalas nito matapos na rumesponde sa isang insidente ng pagaamok sa San Antonio Valley 8 na naging sanhi ng kaniyang pagtatamo ng mga sugat sa ulo at ibdib matapos na tagain ng suspek gamit ang butcher knife.

Nagpapakita lamang aniya ang katapangan ni Navarro ng tunay na resposibilidad ng kapulisan na magbigy proteksyon at tiyaking ligts ang mga mamamayan sa komunidad.