Isusunod na raw ng National Bureau of Investigation (NBI) na isasailalim sa forensic examination ang cellphone na ginamit ng mga respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ito ay kasunod na rin ng pagtatapos ng NBI forensic team sa pagsusuri sa mga tissues na nakuha ng NBI sa katawan ng 23-anyos na flight attendant bago ito inilibing.
Sinabi ni Guevarra na ang NBI digital forensic ang magsasailalim sa pagsusuri sa mga cellphone ng mga isinasangkot sa krimen pero hindi naman tinukoy kung kasama ring susuriin ang mismong cellphone ng biktima.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na raw ang NBI sa Makati Medical Center kaugnay naman sa isinagawa nilang pagsusuri sa bangkay ni Dacera.
Ipinauubuya na rin daw ng kalihim sa NBI kung kailan nila ilalabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Una rito, ang grupo mismo ng NBI ang nagtungo sa General Santos City bago ilibing si Dacera para kumuha ng mga tissues na gagamtin sa imbestigasyon.
“The NBI has completed its forensic examination of tissues obtained from the subject’s remains. it is currently coordinating with the makati medical center on related issues. the NBI digital forensic team will now proceed to examine the data in the mobile phones of the persons of interestSOJ update on NBI Dacera probe and autopsy,” ani Guevarra.
Samantala, pinangalanan na ng NBI ang ika-13 person of interest sa krimen na naka-check in sa room 2207 ng City Garden Grand Hotel noong araw na namatay ang flight attendant.
Sa naturang silid naglabas-pasok si Dacera bago ito natagpuang walang malay sa buthtub ng hotel.
Ayon kay NBI Deputy Director at Spokesman Ferdinand Lavin, ang person on interest ay kinilalang si Ethan Maguire na sinundo pa ng NBI sa Region 8.
Posible umanong gawin itong state witness kapag nakumpleto na ang kanyang statement.