Cat auction
-- Advertisements --
Cat auction 6

Nakiisa na rin si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray sa proyekto ng pag-auction ng mga gamit para makatulong sa testing capacity ng bansa laban sa coronavirus pandemic.

Sa anunsyo ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, ibinibenta na nito ang ilan sa kanyang pre-loved items lalo na ang mga ginamit nito noong kasagsagan ng Miss Universe pageant.

Inihalimbawa nito ang Miss Universe pin na may sentimental value aniya sa kanya pero napagdesisyunang isuko para makatulong.

Sumunod si Gray sa yapak ng iba pang local celebrities na una nang nagbenta ng kani-kanilang designer bags, branded outfits, at mga alahas, sa pamamagitan ng Shop and Share Store nina Angel Locsin at Anne Curtis.

Lahat ng proceeds o kikitain sa nasabing proyekto ay ilalaan para sa mass testing efforts ng pamahalaan.

-- Advertisement --