Umakyat pa sa 57,545 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, 634 ang bilang ng mga bagong tinamaan ng sakit dahil sa laboratory submission ng 65 mula sa 82 lisensyadong laboratoryo sa bansa.
Mula sa total ng confirmed cases, may 35,483 active cases o nagpapagaling. Nahahati ang bilang na ‘yan sa 91.4-percent na mild cases, 7.7-percent asymptomatic, 0.4-percent severe, at 0.5-percent critical.
Ang National Capital Region ang nangunguna sa mga lalawigan na nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 sa 360 new cases. Sumunod ang Laguna, Cebu, Bulacan, at Cavite.
Samantala, ang total recoveries ay pumalo na sa 20,459 dahil sa 88 na bagong gumaling.
“Maliban dito, kabilang sa ating data reconciliation at validation efforts ang pagtala ng additional recoveries mula sa mga kasong na-report mula March hanggang May 31 na naitalang walang sintomas o may mild symptoms.”
Habang ang total deaths ay nasa 1,603 dahil sa anim na bagong naitalang namatay. Mula sa bagong naitalang death cases, apat ang namatay ngayong buwan at dalawa noong Hunyo.
“All six deaths are age 60 years and above. Kaya naman mariin naming pinapaalalahan ang ating elderly population, ang ating mga magulang, lolo at lola na mas maging maingat ngayong panahon ng pandemya.”