Lumagpas na sa limang milyon ang mga kaso ng COVID-19 sa India matapos maitala ang 90,123 infections sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa Health Ministry, ang kanilang bansa ay natukoy ang isang milyong kaso sa loob lamang ng 11 araw matapos na lumampas sa 4 million ang coronavirus noong September 5.

Iniulat din ng Health Ministry ang 1,290 new coronavirus fatalities sa loob lamang din ng 24 hours.

Sa ngayon ang death toll sa India ay nasa 82,066.

Samantala naniniwala naman ang kilalang virologist na si T. Jacob John, hindi naging epektibo ang nationwide lockdown noong buwan ng Marso.

Pero giit pa rin ng kanilang health minister, matagumpay ang kanilang COVID response bilang ikalawa sa pinakamaraming popolasyon ng tao na umaabot sa 1.35 billion.