LAOAG CITY – Usap-usapan ang umano’y pagsuntok ng isang taga-Bangladesh sa mukha ng isang Pilipino matapos umanong napagkamalan itong Chinese.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Demetrio Bong Rafanan sa Roma, inaway na lang daw bigla ng Bangladeshi national ang nasabing Pinoy habang nasa grocery.

Marahil aniya ay ito ang isa sa mga epekto ng hindi pa napupuksang Coronavirus Disease o COVID-19 sa gitna na rin ng lumalalang panic ng mga tao.

Sinasabing kumalat na ang video ng pang-aaway ng dayuhan sa ilang social media websites.

Dagdag niya na ang pinakabagong tala sa COVID-19 ay umaabot na sa mahigit 500 ang kaso sa kanilang bansa at 14 ang tuluyang namatay sa virus.

-- Advertisement --