-- Advertisements --

Inanunsyo ni Philippine Red Cross chairman Senator Richard Gordon ang kanilang balak na magsagawa ng COVID-19 saliva test sa Pilipinas sa mas murang halaga.

Ayon sa senador, nalbigay na nila ang nasabing plano sa Department of Health (DOH) noong nakaraang buwan. Sa ngayon ay hinihintay na lamang daw nila ang magiging deisyon hinggil dito ng Health Technoloidy Assessment Council na binubuo ng mga doktor, medical doctors at mga scientists.

Subalit hirit ni Gordon, dapat ay may sense of urgency ito dahil may ilang bansa na raw ang gumagamit ng saliva testing, kabilang na rito ang Japan at Singapore.

Mas marami ring mahihirap na Pilipino at manggagawa ang mate-test kung gagawing mura ang COVID-19 test na ito na posibleng umabot lamang ng hanggang P2,000.

Di-hamak aniya na mas mababa ng P1,500 ang presyo nito kumpara sa P3,500 swab test na ginagawa ng Red Cross.

Bukod dito, malaki rin umano ang mababawas sa mga personal protective equipment (PPE) dahil hindi na kailangan pang gumamit nito kung hindi naman pupunta sa laboratoryo.

Sa kabila nito ay kailangan namang bumili ng Red Cross ng mga equipment para isagawa ang saliva testing na nagkakahalaga ng $15,000 o halos P800,000.