Umaapela si House Speaker Alan Peter Cayetano sa ehekutibo at sa local government units na magpatupad ng tinatawag ng out-of-the box solutions hinggil sa “Bayanihan to Heal as One Law.”

Ito ay upang maresolba ang economic at health problems dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Batid ni Cayetano na hamon sa ngayon ang pagpapaaabot ng tulong at delivery ng quick-response programs sa gitna nang kinakaharap na krisis.

“The question now is how we can distribute the aid to those who need it most, at the shortest amount of time and with the least amount of waste,” ani Cayetano

Kaya naman inirekomenda ng lider ng Kamara ang house to house strategy, no-contact policy, at paggamit ng photo-documentation sa pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa apektado ng public health crisis.

“Let’s do it house-to-house to minimize the crowd, there should be little to no contact between the beneficiaries and relief workers, maximize the use of technology for documentation and record-keeping,” paliwanag pa ni Cayetano.

Iginiit ng kongresista na dapat magkaroon ng balanse sa pagitan nang pagpapaabot ng tulong at pagtitiyak na kaunti lamang ang exposure sa mga benepisyaryo upang mabawasan ang risk ng contamination.

Base sa nakauganlian, namimigay ang mga organizers ng tickets sa publiko para makakuha ng package o ayuda mula sa pamahalaan.

Pagsapit naman ng araw nang pamamahagi ng tulong, nagtitipon-tipon ang mga benepisyaro sa isang venue para makuha ang cash o goods assistance.

Habang para naman sa documentation, kadalasang required pa ang mga benepisyaryo na lumagda bilang katibayan na natanggap nila ang ayuda mula sa pamahalaan.

Pero ayon kay Cayetano, hindi na “feasible” pa ang ganitong mga pamamaraan dahil sa pangamba na rin ng contamination. (photo from Pasay Public Information Office)