-- Advertisements --

Kumpara noong nakaraang linggo, tumaas na raw ang ngayon ang bilang ng dedicated beds para sa COVID-19 patients ng mga ospital sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Mula sa 15,919 na total COVID-19 beds noong July 22, tumaas ito sa 16,388.

Pero ang DOH, hindi kuntento sa bilang ‘yan dahil nga sa ilalim ng bagong admin order ng kagawaran, dapat 30% na ang inilalaang kama ng public hospitals, at 20% mula sa private hospitals para sa COVID-19.

Sa huling tala ng Health department, as of July 26, 8,577 o 52.3% na ang okupado mula sa bagong total ng available COVID-19 beds.

“Nationally, malapit na ma-overwhelmed ang health system natin, mapapagod ang ating mga doktor, nurses at mga nag-aalaga sa atin sa ospital,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Lumalabas na 107,508 ang bilang ng mga lisensyadong kama sa bansa. Galing sila sa 1,282 na mga ospital at 261 na mga infirmary

Ayon sa opisyal 49.6% na ang occupancy rate o bilang ng mga kama para sa mga COVID at non-COVID patients sa bansa ang okupado.

Kung hihimayin ito, kapwa nasa warning zone na sila. Dahil ang occupancy rate ng non-COVID beds ay nasa 50%, samantalang 52.3% ang occupancy ng COVID-19 beds.

Kung susuriin natin ang estado ng mga COVID beds na ‘yan, nasa danger zone na ang mga ICU, isolation at wards beds ng COVID dito sa NCR . Pareho rin ang sitwasyon ng ICU beds at ward beds sa Calabarzon. Pare-pareho namang nasa warning zone ang estado ng mga kama sa Central Luzon, Central Visayas, Region 11 at iba pang rehiyon.

Screenshot 2020 07 28 16 48 20
IMAGE | Utilization rate of mechanical ventilators for COVID-19 among hospitals/Data by DOH as of July 26

Sa kabila niyan, ligtas sa safe zone ang estado ng mechanical ventilators sa buong bansa. Ibig sabihin, hindi pa marami ang COVID-19 cases na nasa kritikal ang sitwasyon para mangailangan ng gamit na ‘yan.

“Manageable ang national bed and mechanical ventilator occupancy natin sapagkat nasa kalahati pa lang ang ating occupancy sa buong bansa.”

“Through the One Hospital Command system, inaayos natin ang referral system for both private and public (hospitals) para masiguro na hindi napupuno ang mga ospital. Through this system, pinapaigting din natin ang coordination ng mga ospital with the temporary treatment and monitoring facilities upang mailipat natin ang mga kasong hinid nangangailangan ng higher level of care.”

As of July 26, higit 1,300 ICU beds, 11,000 isolation beds, 3,000 ward beds at halos 2,000 mechanical ventilators ang nakalaan mula sa total ng COVID beds sa bansa.