Pumapalo na sa 362,243 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, 1,509 ang additional cases. Mas mababa mula sa higit 1,600 na nadagdag sa report ng ahensya kahapon.
“13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on October 20, 2020.”
Lalawigan ng Rizal ang itinuturing na top province with newly-announced cases ng Health department na nakapagtal ng 83 bagong kaso ng sakit. Sinundan ng Cavite, Lungsod ng Maynila, Baguio at Iloilo City.
Ayon sa ahensya, 90% ng mga additional cases ang nag-positibo sa nakalipas na 14 araw. Pero may ibang noon pang Marso hanggang Setyembre nag-positibo pero kahapon lang nai-report ng laboratoryo.
“Of the 1,509 reported cases today, 1,356 (90%) occurred within the recent 14 days (October 8 – October 21, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (320 or 24%), Region 4A (297 or 22%) and Region 6 (129 or 10%).”
Ang mga active cases ay nasa 43,990 pa. Samantalang ang total recoveries ay nadagdagan naman ng 911 kaya ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay nasa 311,506.
Nasa 60 deaths naman ang nadagdag sa total ng mga namatay dahil sa COVID-19 na ngayon ay nasa 6,747 na.
“Of the 60 deaths, 45 occurred in October (75%), 7 in September (12%) and 8 in August (13%). Deaths were from NCR (23 or 38%), Region 4A (9 or 15%), Region 6 (8 or 13%), Region 1 (3 or 5%), Region 3 (3 or 5%),Region 5 (3 or 5%), Region 7 (3 or 5%), Region 9 (2 or 3%), BARMM (2 or 3%), Region 8 (1 or 2%), Region 10 (1 or 2%), Region 12 (1 or 2%), and CAR (1 or 2%).”
Nagtanggal daw ang ahensya ng 41 duplicates sa total case count, kung saan 31 ang mula sa recoveries at tatlo sa death cases.
“Moreover, 16 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”