-- Advertisements --

Naitala ng Department of Health (DOH) ang bahagyang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa para sa buwan ng Hunyo.

Iniulat ng DOH na umabot sa 10,733 ang naitalang kaso ng dengue mula Hunyo 15 hanggang 28.

Mas mataas ito kumpara sa 8,233 kaso na naitala sa unang dalawang linggo ng parehong buwan.

Naghahanda na rin ang ahensya sa posibleng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha nitong nakaraang linggo.

Kasabay nito, nanawagan ang ahensya sa publiko na sundin ang kanilang “4Ts” campaign — Taob, Taktak, Tuyo, Takip — upang maiwasan ang pamumugad ng mga lamok sa loob at paligid ng bahay.