Ibinahagi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naghahanda na ang Kamara de Representantes upang maghain ng motion for reconsideration sa desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Una rito, idineklara bilang unconstitutional ng kataas-taasang hukuman ang reklamo laban sa bise presidente.
Para sa mga mahistrado, nilabag ng Kamara ang one-year ban sa impeachment proceedings.
Hindi anila nasunod ang due process, kabilang ang karapatang marinig ni VP Sara bago ipadala sa Senado ang complaint.
Bagamat ibinasura ang kasalukuyang impeachment, binigyang-linaw ng SC na maaaring magsampa muli ng reklamo pagkatapos ng isang taon.
Ayon naman kay House spokesperson Princess Abante, ang paghahain ng motion ay bahagi ng kanilang tungkulin upang ipagtanggol ang Konstitusyonal na kapangyarihan ng Kongreso sa pagsasagawa ng impeachment.
“This is not defiance. This is constitutional fidelity,” giit ni Abante.
Samantala, iminungkahi ng ilang mambabatas, kabilang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, ang paggamit ng Doctrine of Operative Facts bilang argumento sa mosyon.
Layunin nitong kilalanin ang mga epekto ng impeachment bago ito ideklarang unconstitutional, at hikayatin ang SC na muling pag-aralan ang naturang desisyon.