Nadagdagan pa ng 1,400 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Kaya naman umakyat pa sa 442,785 ang total ng coronavirus cases sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health, hindi pa kasali sa ulat ang datos ng siyam na laboratoryong bigo makapag-submit ng report kahapon.
“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 7, 2020.”
Ang lalawigan ng Benguet ngayon ang nangunguna sa listahan ng may pinakamataas na numero ng bagong kaso sa 101. Sumunod ang Davao City (90), Quezon City (82), Rizal (75), at Laguna (56).
Nasa 25,325 pa ang mga nagpapagaling o active cases. Samantalang 408,790 pa ang total ng recoveries dahil sa nadagdag na 139 na bagong gumaling.
Ang total deaths ay 8,670 matapos madagdagan ng 98 na bagong namatay sa COVID-19.
” 14 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 were recovered cases. Moreover, 43 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”