Tumuntong na sa higit 70,000 ang bilang ng tinamaan ng sakit na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong hapon, nasa 1,951 na mga bagong kaso ng sakit ang naitala dahil sa submission ng 73 mula sa 89 na lisensyadong laboratoryo.
Dahil dito umakyat pa sa 70,764 ang total ng COVID-19 cases sa bansa.
Mula rito,45,646 ang active cases o nagpapagaling pa. Binubuo ito ng 91.1-percent na mga mild cases; 8.0-percent asymptomatic; 0.5-percent na mga kritikal; at 0.4-percent na severe.
Pinakaraming may naitalang bagong kaso ng sakit sa National Capital Region, Cebu, Laguna, Cavite at Rizal.
Sa bilang naman ng recoveries, 209 ang nadagdag kaya 23,281 na ang total ng mga gumaling.
Dalawa lang ang nadagdag sa death toll pero umakyat pa ito sa 1,837.
Ayon sa DOH, 85 na duplicates ang kanilang tinanggal mula sa total case count dahil sa patuloy na validation at paglilinis sa mga datos.
Sa virtual presser ng ahensya naglabas ng paglilinaw si Health Usec. Maria Rosario Vergeire hinggil sa pagha-highlight nila ng active cases sa araw-araw na pagre-report ng COVID-19 tally.